Tara Na Sa Kwarto (Let’s Go To The Room)

Ito ang Hotel Inuman Session: kung saan ang chaser ay alaala, ang pulutan ay mga pangakong binasag, tapos pinagdikit ulit gamit tawa.

May table sa gitna, basong hugis bilog ng usapan, bote ng gabi — nakatayo parang sentensiya ng saya. Walang reserbasyon. Walang curfew ang alak kung may kausap kang totoo.